$2.12-M at $1.35-M Tulong Para sa BARMM Ibinigay ng Pamahalaang Hapon
- mediabangsamoro

- Mar 9, 2020
- 2 min read
Noong Lunes, ika 24 ng Pebrero 2020, ang Ambassador ng Hapon na si Koji Haneda ay nagkaroon ng paglagda ng mga dokumento at palitan ng mga tala sa International Organization for Migration (IOM) at United Nations Population Fund (UNFPA) sa Embahada ng Japan sa Maynila.

Patungkol dito, hindi bababa sa USD2.12 milyon ang ibinigay ng pamahalaang Hapon para sa pagkakaloob ng mga solar power generation system sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay ipapatupad ng International Organization for Migration (IOM) sa pamamagitan ng Project for the Capacity Building of the Bangsamoro Transition Authority for Strengthening Health Care Services sa malayong mga isla na nakatuon sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Ito ay nakikita na makakatulong sa mga pasilidad pangkalusugan sa nasabing mga lugar upang mabawasan ang pang-araw-araw na bayarin sa koryente pati na rin ang mga gastos sa paggamit ng mga generator.
Ang Japan ay nakikipagtulungan sa IOM upang palakasin ang mga serbisyong pangangalaga sa kalusugan sa BARMM sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga solar power generation system.
Ukol dito, pinasalamatan ni IOM Chief ng Mission Kristin Marie Dadey ang Tokyo sa tulong at sinabi nya na ang proyektong ito ay makakatulong sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon habang binanggit niya ang "daan-daang libong mga Moros" na lumipat ng ilang dekada upang makatakas sa alitan at kahirapan.
Sinabi rin ni Dadey na nagbibigay ang pagkilos na ito ng kritikal na suportang materyal sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, at nagpapadala ng isang malakas na mensahe ng pagkakaisa sa mga vulnerable na komunidad, na madalas ay nakakaramdam na sila ay na-margenalized o nakakalimutan, at nagpasya na gumawa ng matinding aksyon o gawin ang mga panganib na hindi ligtas na paglipat sa labas ng bansa dulot ng kawalang pag-asa.
Samatala, ang USD1.35-million naman na ibinigay ng pamahalaang Hapon ay ipapatupad ng United Nations Population Fund (UNFPA) upang suportahan ang mga pagsisikap para sa transisyon at peacebuilding ng BARMM.
Sa pamamagitan nitong proyekto, si Haneda ay umaasa na ito ay magpapasigla ng pagiging produktibo, pagkakaisa sa lipunan, at pag-access sa kalusugan sa mga residente ng tatlong lalawigan.
Sinabi rin ni Haneda na, “Ang rehiyon ng Bangsamoro ay maaaring may mahabang daan pang tahakin, ngunit ang pamahalaan ng Hapon sa pamamagitan nito at sa pamamagitan ng nakatuong mga pakikipagtulungan ay makakasama sa rehiyon sa buong proseso.”
Samakatuwid, humahanap kami ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga kasosyo sa bansa at mga organisasyon na mayroong unang kaalaman at kadalubhasaan sa mga lugar na ito, sabi ni Haneda na tinutukoy ang IOM at ang UNFPA pagkatapos nyang sabihin ang “Sa lahat ng oras matagumpay na isinasagawa ng Japan ang aming opisyal na tulong sa pag-unlad. Kinikilala natin na marami tayong magagawa sa ating sarili.”
Photo credits: Philippine News Agency




Comments