top of page

P137.6-M para sa MILF Decommissioned Combatants Ipagkaloob sa Kanila

Bilang bahagi ng decommissioning grants sa dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front, PHP137.6 million ang halaga ng perang pinalabas ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Region XII.


Ang nasabing halaga ng pera ay upang ibigay sa mga decommissioned na mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa kabuoang 1,376 na decommissioned MILF fighters, bawat isa sa kanila ay tumanggap ng PHP100,000 bilang tulong pinansyal.


Ayon kay Director Cezario Joel Espejo ng DSWD-XII, ang nasabing tulong pinansyal ay ginagamit para sa pangalawang payout ng Bangsamoro Transitory Family Support Package (BTFSP) na kung saan bawat isa sa 1,376 MILF decommissioned combatants ay makatanggap ng PHP100,000 tulong pinansyal.


Ayon naman kay Norhata Benito, pinuno ng Normalization Program, ang bawat isa sa mga decommissioned fighters ay nakatanggap ng PHP80,000 sa ilalim ng BTFS at PHP20,000 cash para sa livelihood settlement grants (LSG).


Ang BTSP ay binubuo ng subsidy na pagkain pati na rin ang pamilya, kalinisan, kusina at iba pang mga gamit pangbahay.


Ang LSG naman ay maaaring gamitin bilang seed capital upang makapagsimulan ng maliit na negosyo o bumili ng starter kits para sa muling pagtatatag ng nasirang kabuhayan.


Bahagi daw ng 12,000, ayon kay Espejo, na mga mandirigma na ma-decommissioned ngayong taon ang pinaka huling bilang ng nabigyan ng tulong ng pamahalaan simula noong ika 21 ng Pebrero 2020.


Dagdag din ni Espejo na ito ay isa lamang sa mga pangako ng ating gobyerno para sa mamamayan ng Mindanao.


Ayon din sa kanya, ‘ipinapakita lamang nito na hindi sila pababayaan ng gobyerno.”

Ang kanilang mga kasamahan mula sa Office of Presidential Adviser on the Peace Process pati na rin ang Independent Decommissioning Body na nilikha ng pambansang pamahalaan at ng MILF upang bantayan ang proseso ng pag-decommission ng mga pwersa at armas ng MILF ay pinuri din ni Espejo.


Bahagi ng socio-economic program component na ipinamimigay ang mga pakete ng tulong ito na kung saan ay nakapaloob sa Executive Order (EO) No. 79 na nilagdaan noong Marso 2019 na nakatuon sa pagsubaybay sa normalisasyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa ilalim ng pangwakas na kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan sa pagitan ng pambansang pamahalaan at MILF.


Nilalayon ng EO 79 na muling likhain ang mga decommissioned na mandirigma ng MILF sa pangunahing lipunan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kabuhayan at iba pang naaangkop na mga programa at serbisyo.


Sa pagitan ng 2021 at 2022 ay doon naman gagawin ang susunod na mga pangkat ng decommissioning.


Ang unang yugto ng pag-decommission sa MILF ay ginanap noong ika 6 ng Setyembre 2019 sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao na may kabuoang 1,060 na mga mandirigma ng nasabing organisasyon.

Ang makabuluhang pangyayari na ito ay sinaksihan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang mga kalihim sa Gabinete.

Comments


bottom of page