top of page

Sari-Sari Store Pangkabuyan project

Ang Serbisyong Bangsamoro ay namigay ng Sari-Sari Store Pangkabuyan project sa mga mahirap na mamayang Bangsamoro bilang tulong sa kanila sa pamamagitan ng insyatibo nina Member of Parliament (MP) Mohagher M. Iqbal at MP Zul Qarneyn M. Abas, M.D. Ito ay ginanap at naihatid sa tinitirhan ng mga benepisyaryo ng Serbisyong Bangsamoro noong ika 6-7 ng Pebrero 2020.

Ang mga benepisyaryo ay kasalukuyang nakatira sa Lungsod ng Cotabato at Lalawigan ng Maguindanao. Bago sila binigyan ng nasabing tulong, tunuroan muna sila ng Serbisyong Bangsamoro kung paano mamahala ng isang maliit na negosyo sa pamamagitan ng Seminar on Small and Medium Enterprises na isinagawa noon ika 13 ng Enero 2020 sa Opisina na Mindanao People’s Care Foundation, Inc. (MPCFI).


Ang proyektong ito ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng MPCFI at Bangsamoro Media Productions (BMP) bilang implementing partners ng Serbisyong Bangsamoro.

Comments


bottom of page