top of page

UNANG BUGSO NG NATIONAL QUR'AN MEMORIZATION CONTEST 2020, ISINAGAWA SA MARAWI CITY



Cotabato City (February 26, 2020) — Isinagawa ang unang bugso ng National Qur'an Memorization Contest 2020 nitong February 25 sa Sheikh Basher Memorial Function Hall, Jamiat Muslim Mindanao sa Marawi City. Ang aktibidad ay pinangungunahan ng The Office of the Religious Attache by the Embassy of Saudi Arabia sa pakikipagtulungan sa Jummeyyatul Huffaz Bil Filibbin at Almawaddah for Humanity Foundation Incorporated in the Philippines.

Ang aktibidad ay sinalihan ng mahigit sa sampong Islamikong-paaralan sa Marawi at dinaluhan ng mga magulang ng mga partsipante, mga mag-aaral, at mga Ulama na mula sa mga kilalang paaralang pang-Islamiko sa Marawi City, Cotabato City at iba pang lugar.Magpapatuloy ang nasabing kompetisyon ngayong February 27-28 na gaganapin sa syudad ng Cotabato at susundan ito ng General Santos City, Davao City, Zamboanga City, Basilan at Syudad ng Maynila sa darating naman na Marso 1, 3, 5, 7, at 9 ayon sa pagkakasunod.Ang aktibidad sa Marawi City ay magpapatuloy hanggang ngayong araw, February 26. (Bangsamoro Media Productions)




Comments


bottom of page