14M mahigit ibinigay ng Bangsamoro Government sa CRMC bilang suporta laban sa sakit na COVID-19
- mediabangsamoro

- Apr 14, 2020
- 2 min read
Nagbigay ang Office of the Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng P14-M mahigit sa Cotabato Regional and Medical Center bilang suporta upang mai-upgrade at mapakinabangan ang pasilidad ng laboratoryo ng ospital para magsagawa ng pagsusuri ng Polymerase Chain Reaction (PCR), o ang pamamaraan ng pagsusuri sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ang suportang ito upang labanan ang COVIDd-19 sa rehiyon ay ginawa sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan sa pagitan ng Punong Ministro ng BARMM na si Ahod Balawag Ebrahim at Pinuno ng CRMC na si Dr. Helen Yambao noong Lunes, ika-14 ng Abril 2020 sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City
Kabilang sa mga napaloob sa MOA ay gagamitin ng CRMC ang pondo para sa pamimili ng medikal, mga gamit sa laboratoryo at reagents; pagpapabuti o pagkukumpuni ng laboratoryo ng CRMC; suweldo ng mga kontraktwal na manggagawa ng laboratoryo; pagsasanay ng mga tauhan; at maintenance at iba pang mga operating expenses.
Sa nasabing tulong, sinabi ni Ebrahim na “Gagawa ito sa kanila [CRMC] ng isang hakbang na mas malapit sa pagiging isang akreditado at may kakayahang laboratoryo upang magsagawa ng napakahalagang PCR testing para sa mga pasyente ng COVID-19.”
Sinabi rin ni Ebrahim, base sa pag-assess sa mga umiiral na mga kakayahan ng mga ospital sa rehiyon, “ang CRMC ang pinakamalapit upang matugunan ang mga kinakailangan at teknikal na kakayahan sa pagsasagawa ng PCR o laboratoryo para sa pasusuri sa COVID-19.”
Sinabi naman ni Yambao na “Ang CRMC, bilang isang referral hospital, ay nakapag-monitor ng hanggang sa 148 na pinaghihinalaang mga pasyente, sinuri ang 19 na posibleng mga pasyente, at nakita ang anim pang kumpirmadong sa COVID-19 sa pamamagitan ng mga sample ng swab sa lalamunan na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine sa Metro Manila at sa Sothern Philippines Medical Center sa Davao City.”
"Ang nalalabi sa mga pasyente, ang PUMS at ang mga banayad na PUI ay hindi nasuri, at pinapayuhan lamang na pumunta sa bahay for home quarantine nang hindi bababa sa 14 na araw," dagdag ni Yambao.
Binigyang diin ni Ebrahim na ipinapakita ng MOA ang estratehikong pakikipagtulungan na itinataguyod ng BARMM sa mga component area nito bilang bahagi ng 12-point agenda ng gobyerno.
Kinumpirma rin ni Ebrahim, "Sa katunayan, nahihirapan tayo. Nakikipag-deal tayo sa isang kalaban na hindi nakikita ng ating mga mata, isang kaaway na naka-overwhelm sa ating mga sistema ng pangangalaga sa kalusugan sa buong mundo.”
“Sa pamamagitan ng ating pakikipagtulungan, pag-unawa, at matibay na pananalig kay Allah, tiwala tayo na malalampasan natin ang hamon na ito,” dagdag ni Ebrahim.
Sa suportang ito, sinabi ni Dr. Yambao na "ito ay isang malaking tulong sa amin na isinasaalang-alang kung paano kumalat ang COVID-19 sa buong mundo at sa mga proporsyong pandemya."
“Ang donasyon na ito ay makakatulong sa BARMM at Rehiyon 12 sa paghihiwalay ng mga pasyente ng COVID-19 pati na rin sa pag-iwas sa pagkalat ng nasabing virus sa komunidad,” dagdag ni Yambao
Sa tulong na ito ay pinasalamatan ni Yambao ang Pamahalaang Bangsamoro, “Kami ay tunay na nagpapasalamat, hindi lamang para sa kagamitang ito na maaaring maglingkod sa ating lahat, kundi pati na rin ang lahat ng tulong na ibinigay sa amin,"

by: Badrudin Sendad - April 14, 2020




Comments