top of page

Dalawampo’t anim na barangay sa munisipalidad ng Binidayan sa lalawigan ng Lanao del Sur

Dalawampo’t anim na barangay sa munisipalidad ng Binidayan sa lalawigan ng Lanao del Sur ang nakatanggap ng inisyal na pamamahagi ng emergency subsidy sa ilalim ng programang SAP o Social Amelioration Program.

Pinangunahan ng MSSD-BARMM ang nasabing programa at siniguro na mapapanatili ang social distancing sa mga lugar na ito

Pinatibay ng volunteers ng MSSD Regional Office at lungsod ng Davao ang isinagawang pagkakakilanlan at pagtukoy ng mga benipisyaryo gamit ang beneficiary information at transfer management platform-SCOPE ng World Food Programme o WFP.

Sa huli tiniyak rin ng ahensya na nagkaroon ng maayos na koordinasyon sa mga kinatawan ng Local Government Units, Municipal Social Welfare and Development Office, Ministry of Health, mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Bureau of Fire Protection Philippine National Police.



 
 
 

Comments


bottom of page