top of page

PROYEKTONG GREENRESERVE , PINAGTIBAY ANG SAMAHAN NG MAFAR AT AFP

Sa pamamagitan ng programa ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ay nakapagbahagi ito ng kagamitan sa pagtatanim at ibat ibang binhing gulay sa mga sundalo ng 1st Marine Brigade (dating Camp Abubakar), sa Barangay Tugaig ng Barira, sa probinsya ng Maguindanao.


Ito ay binubuo ng limampu’t dalawang piraso (52) ng rake, pala, bolo, apatnapu’t dalawang (42) pirasong hand trowel, mga bag ng organic na pataba, at animnapu’t siyam (anim na paket kada set) na ibat ibang klaseng binhing gulay. Ang mga naturang kagamitan sa pagsasaka at binhi ay parte ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ng ministeryo.

Layunin nito na mapagtibay at maimplementa ang proyektong #GREENRESERVE na isinusulong ng 6th Civil Military Operations (KASANGGA) Batallion, 6ID of the Philippine Army na inilunsad ng pinagsamang pagsisikap ng MAFAR at Philippine Army sa KASANGGA Camp ng PC Hill, Cotabato City.

Photo Courtesy: MAFAR-BARMM

Ang programa ay may temang: "Manatili sa Bahay, Magtanim ng Gulay, Hahaba ang Buhay", na ang layunin ay mapanitili ang sapat na supply ng pagkain sa gitna ng nangyayaring krisis dulot ng pandemyang COVID- 19. Layunin din nito na isulong ang kampanyang "Vegetable Urban Gardening" na sumusuporta sa adbokasiya ng national government na magkaroon ng sapat na pagkain sa buong bansa. Ito ay pinangunahan ni Dr. Jalika D. Mangacop, kinatawan ni Minister Mohammad S. Yacob, PH.D. na sya ring Consultant for Agricultural Concerns kasama ng iba pang mga opisyales ng MAFAR.

Ikinagalak ni Brigadier General Jonas R. Lumawag ang dalang tulong ng mga opisyales ng MAFAR sa kabila ng hirap bago marating ang kanilang lugar. Sa katunayan, sinabi nya na sya’y natutuwa dahil bukod sa pagiging sundalo, sila din ay mga magsasaka na tumutulong sa pagpapanatili ng sapat na supply ng pagkain.

(Bangsamoro Media Productions)

 
 
 

Comments


bottom of page