top of page

MSSD, TATAPUSIN ANG PAMAMAHAGI NG SAP SA LALONG MADALING PANAHON

Ang Ministry of Social Services and Development sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MSSD-BARMM) ay inaasahang matatapos ang pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa buong rehiyon ngayong darating na ika-15 ng Mayo sa kasalukuyang taon.

Ayon kay Jajurie, nagsimula ang pamamahagi ng ayuda noong ika-12 ng Abril sa parehong taon. 325,975 bilang ng mga benepisaryo ay mga miyembro ng 4Ps habang 180,979 ang mga hindi myembro.

Binigyang diin din nya na sa ilalim ng mga patnubay ng pamahalaan, ang bawat benepisyaryong hindi miyembro ng 4Ps ay makakatanggap ng ayudang P5,000 habang ang mga miyembro ng 4Ps ay makakatanggap naman ng P3,650 cash dahil ibinawas na namin sa ayuda ang subsidy ng bigas, nutrisyon at kalusugan na sakop ng 4Ps. Dahil walang pasok sa mga paaralan sa buwan ng Abril at Mayo, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay makakatanggap na lamang ng P750 na subsidy ng kalusugan at nutrisyon, at P600 para sa subsidy ng bigas. "Gusto naming matapos ang pamamahagi ng emergency cash subsidy sa lalong madaling panahon. Sa galaw at bilang ng tauhan na meron kami ay inaasahan naming matatapos ang nasabing pamamahagi sa ika-15 nitong buwan ng Mayo," dagdag pa niya. Ang pamimigay umano ng ayuda ay ihahatid sa bawat bahay ng kwalipikadong benepisyaryo ngunit dahil sa limitadong oras at layunin ng MSSD na pabilisin ang proseso ng pamamahagi, sa halip ay gumawa ng alternatibong plano kung saan ay mahigpit na inoobserbahan ang social distancing.



 
 
 

Comments


bottom of page