MSSD, KINONDENA ANG MGA HARASSMENT AT PAGBABANTA SA MGA MANGGAGAWA NITO
- mediabangsamoro

- May 9, 2020
- 1 min read
Kinondena ng Ministry of Social Welfare and Development o MSSD ang mga harassment at pagbabanta na natatanggap ng mga manggagawang nagsisilbing frontliners sa gitna ng Covid-19.
Sa kasalukuyang sakuna na ating kinakaharap, naiintindihan ng ahensya ang mga pangamba at hirap na kinakaharap ng rehiyon kung kaya’t kanila ring ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang maipatupad ang mga social protection interventions para sa mga mamamayang labis na apektado.
Ngunit, naniniwala ang ahensya na walang lugar ang ano mang panliligalig, pagbabanta at pananakot sa mga MSSD frontline workers na tinataya ang sariling kaligtasan at buhay sa araw araw na paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagpapaabot ng emergency cash subsidies at iba pang kinakailangang social welfare services para sa mga disadvantage families sa rehiyon. Sa kabila nito’y patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga programa ng Bangsamoro Government at ng national government upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga underprivileged at vulnerable na sektor ng komunididad. Ito ay alinsunod sa mandato na itinakda ng Bayanihan to Heal as One Act sa pagsugpo sa pandemyang Covid-19. Ginagarantiya rin ng parehong batas ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng frontliners kabilang ang mga manggagawa ng MSSD. Pinaalalahanan ng ahensya na may kaakibat na pagkakabilanggo o multa ang sino mang mapapatunayang lumabag o nagkasala sa batas na ito. Sa huli hinikayat ng ahensya na maging maunawain ang lahat sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.





Comments