ALKALDE NG LUNGSOD NG COTABATO, BINATIKOS ANG ISANG HIGH RANKING OFFICIAL NG BARMM
- mediabangsamoro

- Mar 19, 2020
- 3 min read
Sa isang post sa Official Facebook Page ng alkalde binatikos niya ang isang high ranking official ng BARMM dahil sa umanoy pag pupumilit nito na pumasok sa lungsod ng Cotabato. Tinawagan pa daw ng High ranking ng BARMM ang OPPAP upang papasukin siya sa Syudad Ang Cotabato City ay nasa kasalukuyang nasa Lockdown dahil sa banta ng sakit na COVID-19 Malinaw na ang utos ng Alkalde na pagbabawal sa mga taong pumasok sa Cotabato City upang maiwasan ang paglala ng problema Ayon sa Facebook post ng alkade, ''Sana naman, maging responsable kayo. The health of the people cannot be compromised. Alam ba ninyo gaano kahirap para sa Lahat ng Cotabateno itong nangyayari sa atin ? Lahat ng sakripisyo ginagawa namin Pero parang wala Lang sa Inyo. Mahiya naman kayo. Hindi ibig sabihin na mataas ang mga posisyon ninyo, exempted na din kayo sa virus.'' Dagdag pa niya ''Put shame on your face. Be responsible. To quote President Duterte, “Pinili nyo maging opisyal eh”If you cannot at least help ease the agony of the people, wag na kayo maging pandamay'' Kinilala naman ang pinatatamaan ng ng Alkalde sa nasabing post at yun ay walang iba kundi si Executive Secretary Abdulraof Macacua na isang Chairperson ng Inter-Agency Task Force Agency on COVID-19 ng BARMM Nilinaw ito ng Chairperson ng IATFA sa kanyang Facebook post niya na sinabi, Gusto ko lang linawin ang lahat. 1. Ako yong pumasok kanina sa may Delta bridge. 2. Hindi po ako na quarantine 3. Ako po ang Chairperson ng Inter-agency Task Force on COVID sa BARMM 4. Marami po kaming nagawa at marami pa kaming gagawin para sa provincia ng BARMM at Cotabato city.
Bakit po ako papasok ng Cotabato City?
1. Ang BARMM government center is nasa Cotabato City. Kailangan mag report ako sa office at hinabol ko ang meeting ko sa World Food Organization. Baka po may maitulong sila sa mga taong na apectuhan ng lockdown. Ang meeting na yon hindi na natuloy. Kailangan ko rin kausapin ang Finance namin kasi kailangan maabunuhan ang pera ng Ambag na nakalaan sa CRMC para sa tulong sa sinuman matamaan ng COVID19 sa Cotabato City. Meron pa ako naka schedule na meeting with Opappru. Lahat ng meeting na yon cancelled.
2. Kahapon nagpunta sa amin si Col. Goyena at naging guest pa namin sa meeting ng IATF-Bangsamoro in COVID19. Agreement namin bago ako papasok sa City tawagan ko siya. Tinawagan ko at sinabi niya ok. Kailangan lang daw niya ang pangalan ng driver at plate number ng sasakyan. Binigay naman sa kanya. Then nagbigay siya ng number na tawagan daw ng driver ko at tinawagan, doon pala yon sa may delta bridge. Ok naman ang sagot. Then tumuloy kami. When I was already in Delta bridge ok naman, ang nanguide pa sa amin mga sundalo AFP para makalapit kami sa Check poin. Noong doon na kami sa checkpoint sabi ng isang sundalo hintayin pa daw ang clearance from the PNP. Naghintay kami mga 15 minutes siguro. Then ang pumunta sa amin PNP nakiusap na balik na lang kami kasi mapagalitan daw sila. Hindi na rin ako nagpupumilit kasi kawawa naman ang police umagang umaga pinapawisan.
Bakit ako nag text kay Galvez?Alam ko na meron siyang maitulong sa situation ng Cotabato City at BARMM mas lalo na sa coordination. Since siya ang Focal person ng IATF National sa BARMM. Paki usap ko na yon ay hindi sa akin sarili kundi sa lahat ng frontliner na workers such as Social Workers at health worker na naka base sa BARMM including yong mga Membro ng Bangsamoro Parliament.
Ano ang susunod na gawin?Hanggat kaya pa makiusap sa City Government thru National like Sec Galvez, Sec Ano at Sec Lorenzana. Kung wala pa rin use your bu own options. Dami naman option. Kaya ako against ako sa yong sinasabing Plan A then Plan B then Plan C. Ako hanggang plan Z ako after that babalik sa Plan Ang maliwanag hindi ako naka quaratine. Saan ka naman maka kita ng naka quaratine na magpunta pa sa Checkpoint. Wassalam.
Bagamat may lamat ang relasyon ng Akalde sa BARMM noong nakarang Plibesiyo ay nanatili ang dalawang opisyal na paglingkuran ang kanilang nasasakupan laban sa banta ng COVID-19





Comments