BARMM Government nag-abot ng tulong sa libo-libong biktima ng sunog sa Jolo.
- mediabangsamoro

- Mar 17, 2020
- 1 min read
Mahigit 2,379 pamilya na apektado ng sunog na nangyari noong ika-3 ng Pebrero ang nakatanggap ng tulong mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng “Project Tabang” na ginanap noong ika-9 ng Marso.
Nagbigay din sila ng serbisyong medikal katulad ng libreng mga gamot at iba pa para sa mga biktima sunog.
Kabilang sa mga tulong na naibahagi ay hygiene kits, foodpacks, clothing, school supplies, kitchen wares, teacher’s kits at learner’s kits.
Dagdag pa rito ang mga fishing materials katulad ng 5.5-HP engines, gillnet, tuna handlines, at squid jiggers ay ibinahagi din ng pamahalaan para sa mga mamamayan ng Jolo.
Tinalakay din ni Ahod “Murad” Ebrahim, BARMM Interim Chief Minister, ang Project AMBAG o “Ayudang Medikal Mula sa Bangsamoro Government” na layuning makatulong sa mga indigent patients sa pamamagitan ng tulong medikal.
Labis ang kagalakan at pasasalamat ng Gobernador ng Sulu na si Abdusakur Tan sa mga opisyal ng BARMM na naging parte ng programang Tabang.
Ang Project Tabang o “Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan” ay isa lamang sa mga isinusulong na programa ng BARMM Government upang makapagbahagi ng mga serbisyo para sa mga mamamayan ng rehiyon.





Comments