top of page

BARMM Government naglaan ng P1.3-B pondo para sa road projects sa mga nayon ng North Cotabato.


File photo by PNA Cotabato


Naglaan ng mahigit 1.3 bilyon pesos ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa pagsasagawa ng mga modernong daan o kalsada sa North Cotabato.

Ito ay ayon sa pahayag ni Atty. Naguib Sinarimbo noong ika-24 ng Pebrero 2020, punong ministro ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG-BARMM).

Ito rin ang naging pahayag ni Atty. Sinarimbo sa mga lokal na opisyal ng 63 Barangays ng Cotabato Province na napabilang sa BARMM.

Ang nasabing pondo ay mangagaling sa annual block ng rehiyon ngayong taon.

Nakikipag-ugnayan na sa kasalukuyan ang MILG sa Ministry of Public Works and Highways (MPWH-BARMM) para sa pagsasagawa ng master plan ng nasabing proyekto.

Pahayag ng ministro, sila ay nakatuon sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto sapagkat tiyak na ang block grant na manggagaling sa national government para sa rehiyon.

Nabanggit rin ng punong ministro na ang pagpapagawa ng moderong mga daanan ay parte lamang ng good governance na isinusulong ng pamahalaan ng BARMM para sa mabilis na pag-unlad ng rehiyon.

Ang BARMM, na ipinalit sa dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay binubuo ng mga probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, mga lungsod ng Cotabato, Marawi, Lamitan at 63 bayan galing sa anim na lungsod sa probinsya ng North Cotabato.

 
 
 

Comments


bottom of page