BUREAU OF PUBLIC INFORMATION, MAY BAGO NG OIC EXECUTIVE DIRECTOR
- mediabangsamoro

- May 9, 2020
- 1 min read
Tinalaga si Ameen Andrew Alonto bilang bagong Officer-in-Charge Executive Director ng Bureau of Public Information o BPI.
Dating executive assistant sa Bangsamaro Government Office ng Cabinet Secretary si Alonto bago naitalagang bagong BPI info chief.
Ito ay pagkatapos rin ng kanyang partisipasyon sa Bangsamoro Transition Commission (BTC) at Regional Legislative Assembly ng dating Autonomous Region in Muslim Minadanao (ARMM). Inaasahan ng opisyal na ang mga karanasan nito sa peace process at communication work ay maging tulong sa pamumuno nito sa BPI. Noong miyerkules lamang, ika-6 sa buwan ng Mayo ay opisyal nang tinurn-over ng dating OIC Executive Director na si Dr. Norodin Salam ang posisyon kay Alonto at pinakilala bilang bagong mamumuno sa Bureau of Public Information (BPI). Hiniling ni Dr. Salam ang maayos at matagumpay na pamumuno ng bagong opisyal sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin bilang bagong executive director ng BPI. Pinahayag din niya ang kaniyang kagalakan na patuloy na gabayan ang BPI sa abot ng kanyang makakaya.





Comments