Kababaihan ng Bangsamoro Sinasanay sa Produksyon ng Kabute
- mediabangsamoro

- Mar 13, 2020
- 1 min read
Mula sa iba't ibang samahan ng mga Muslim sa Lungsod ng Mati, Davao Oriental, ang mga kababaihan ng Bangsamoro ay nagsanay sa paggawa ng kabute noong ika 26 - 27 ng Pebrero, 2020.
Ang pagsasanay na ito ay nagawa ng Mati City sa pakikipagtulungan ng Rehiyonal na Tanggapan ng Kagawaran ng Agrikultura.
Ayon sa Information Office ng Lungsod ng Mati, ang nasabing pagsasanay ay ginanap sa Davao Commercial Agriculture Research Station (DaCARS) ng nasabing lungsod.
Ang mga kalahok sa aktibidad na ito ay nanggaling sa Bangsamoro Women’s Organization of Davao Oriental (BaWOrDO), Bangsamoro Radio Assistance on Communication and Emergency Services (BRACES), and City Eagles of Mati OFW Family Circle Association (CEMOFCA).
Bilang bahagi ng malalim na interes ng mga kalahok, aktibong nakilahok sila sa lahat ng mga aktibidad na bahagi ng pagsasanay na ito.
Ang mga nagtapos ay tungkulin nilang ituro ang kanilang mga bagong nakuha na kasanayan at kaalaman sa ibang mga miyembro ng kani-kanilang mga samahan.
Ayon sa DaCARS, magbibigay din ito ng starter kits sa mga bagong sanay na kababaihan bilang bahagi ng nasabing aktibidad.

Photo courtesy of Mati CIO




Comments