Maguindanao Councilor patay matapos pag babarilin
- mediabangsamoro

- Mar 16, 2020
- 1 min read
Patay sa ambush ang isang Maguindanao Councilor sa Kabacan North Cotabato. Kinilala ang biktima na si Ruben "Udzi" Mindalagat ng Datu Montawal, Maguindanao. Dead on the spot ang nasabing konsehal ayon sa pahayag ni Lt. Col. Bernard Tayong ng North Cotabato Police. Kinilala din ang kasamahan ng biktima na si Mohammad Mindalagat na sinubukan ring dalhin sa Hospital ng Albutra ngunit binawian rin ng buhay pagkalaunan. Nangyari ang pamamaslang habang binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng nasabing bayan. Kasalukuyang paring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulisya patungkol sa nangyaring insidente.

(Photo courtesy of Kabacan MPS)




Comments