top of page

Mga dumalo sa isang Religious gathering sa Malaysia, Pahirapan ang paghahanap.

Ito ay matapos ang pahayag ng Deputy Minister ng Ministry of Health na si Dr. Zul Qarneyn Abas matapos maiulat na ang iilang lumahok sa nasabing aktibidad ay nagpostibo sa Covid-19. Sinubukan narin ng Ministry of Health (MOH-BARMM) na makipag ugnayan sa iba't ibang ahensya katulad na lamang ng National Commission and Muslim Filipinos (NCMF), Department of Health (DOH), at Bureau of Immigrations upang hingin ang personal na datos ng mga nasabing kalahok ngunit walang tala o record ng mga partisipanteng lumahok sa nasabing aktibidad.


Sa kadahilang ito'y aminado ang MOH-BARMM na nahihirapan silang hanapin ang mga ito. Ngunit, ginagawa na ng ahensya ang lahat upang tugunan at matukoy na ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na ito upang sa ganoon ay mapigilan ang tuluyang pagkalat ng Covid-19


 
 
 

Comments


bottom of page