Mga pulis na opisyal ng BARMM sumailalim sa sorpresang drug test.
- mediabangsamoro

- Mar 16, 2020
- 1 min read

Photo courtesy of PRO-BARMM
Alinsunod sa direktiba ng Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa, bilang bahagi ng pagpapaigting ng internal cleansing ng PNP, ay nagsagawa ng surpresang drug test ang Police Regional Office in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) para sa lahat ng opisyal na nakabase sa regional headquarters noong ika-19 ng Pebrero 2020.
Ang sorpresang drug test na isinagawa ng Regional Crime Laboratory Office at PNP ay isinabay sa command conference at walang pinayagang umalis sa nasabing pulong maliban na lamang sa mga sumailalim na sa nasabing test.
Ito ay pahayag ni Brig. Gen. Marni Marcos Jr., PRO-BARMM director na siyang nanguna sa nasabing pagpupulong at nag-utos ng drug testing.
Ayon rin sa kanyang pahayag ang mga pulis o opisyal na lalabas na positibo sa paggamit ng iligal na droga ay mahaharap sa administrative charges at sumailalim sa dismissal proceedings.
Ayon kay Marcos, ito ay parte lamang ng pagsisikap ng PNP na panatilihin ang tiwala at kumpiyansa ng mamamayan sa nasabing ahensya at paraan din nilang ipakita ang kanilang tungkulin alinsunod sa batas at maayos na pamamalakad bilang mga tagapagpatupad ng batas.




Comments