Nagbigay ng datos ang MSSD patungkol sa bilang ng mga benepisyaryo na mapapamahagian ng SAP
- mediabangsamoro

- May 9, 2020
- 1 min read
Nagbigay ng datos ang MSSD patungkol sa bilang ng mga benepisyaryo na mapapamahagian ng Social Amelioration Program o SAP sa Rehiyon ng Bangsamoro.
Binigyang linaw ng ahensya ang formula o pamamaraan na ginamit ng MSSD Regional Office sa pag-compute sa alokasyon ng emergency subsidy ng SAP sa bawat probinsya ng rehiyon. Nakipagtulungan naman ang MSSD Provincial Office sa mga Provincial LGUs sa pag-compute ng alokasyon sa mga non-4Ps benefeciaries mula sa mga munisipyo at barangay. Samantala, ang datos ng 4Ps beneficiaries ay nanggaling sa database ng Pantawid Pamilya Information System o PPIS.
Naglaan ng at least pitompo’t anim na porsyento (76%) ng households ang MSSD mula sa 180,979 na slots para sa non-4Ps beneficiaries na makakatanggap ng cash subsidy sa ilalim ng SAP. Mayroon na mang pitompo’t anim na porsyento (76%) ng households para sa 4Ps beneficiaries. Paliwanag ng ahensya bumababa ang target number of households mula sa mga non-4Ps beneficiaries kung mataas ang bilang ng 4Ps beneficiaries sa isang lugar. Nilinaw rin ng ahensya na may mga iilang munisipyo na wala ng maibigay na slots para sa mga non-4Ps beneficiaries sa kadahilanang ang 4Ps househols ng lugar ay higit pa sa bilang ng populasyon nito. Salungat sa paniniwala ng nakakarami, binigyang linaw ng ahensya na ang pondong ibinigay ng national government sa rehiyon ay limitado lamang. Ito rin ang naging dahilan ng ahensya sa pagpili at pagpa-priotize sa mga mamamayang makakatanggap ng emergency cash subsidy sa ilalim ng SAP.







Comments