top of page

Nagpahayag ng kanilang pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Talayan, Maguindanao sa mga Frontliner

Nagpahayag ng kanilang pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Talayan, Maguindanao sa mga frontliner kabilang ang AFP, PNP, RHU at DSWD matapos isagawa ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa kanilang munisipalidad noong Huwebes, ika-7 ng Mayo nitong taon.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ang mga residente na huwag maniwala sa mga kumakalat na maling balita patungkol sa di-umanong magkaibang halagang natatanggap ng 4Ps at non-4Ps.

Ipinaliwanag din ng nabanggit na lokal na pamahalaan na ang natitirang Php1,350 sa mga myembro ng 4Ps ay hahatiin sa subsidy ng bigas Php600 at Php750 para naman sa pangkalusugan na kanilang regular na natatanggap sa ilalim ng 4Ps




 
 
 

Comments


bottom of page