top of page

Pangulong Duterte nagpasalamat sa lahat ng frontliners na nakikiisa sa pagsugpo ng COVID-19

Sa patuloy na pakikipaglaban ng gobyerno upang masugpo ang malawakang epidemiya na kasulukuyang kinakaharap di lamang ng ating bansa ngunit ng iba pa, nagbigay ng pahayag ang Malacañang upang iparating ang mensahe ng pangulo para sa mga mamamayang direktang apektado ng kasalukuyang sakuna.

Sinumulan ang nasabing pahayag sa pagpapasalamat ng pangulo sa mga “frontliners” na siyang kaagapay ng bansa sa pagsugpo ng COVID-19.

Mga doctor, nurses, iba pang kasapi ng health professionals, kapulisan, kasundaluan, public servants at iba pang mga ahensya o pribadong sektor o mamamayang kaagapay sa pagbibigay ng tulong ang personal na pinasalamatan ng pangulo. Tiniyak ng pangulo na ang pagsisikap nila para sa bayan ay hindi makakalimutan at may gantimpalang kaakibat. Inilarawan ng pangulo ang kanilang serbisyo bilang kilos ng kabayanihan.

Pinasalamatan din ng pangulo ang mga Lokal na pamahalaan o LGUs sa pagtugon nito sa mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Hinikayat din ng pangulo ang mga mamamayan na sumunod sa mga alintuntunin upang masiguro ang kanilang seguridad at kalusugan. Hinikayat din nito ang nakakarami na tumulong sa ano mang paraan upang tuluyan ng masugpo ang sakunang ito.

PCOO/File



 
 
 

Comments


bottom of page