top of page

Pinuri ni Chief Implementer Galvez ang BARMM sa paglaban nito sa COVID-19

Pinuri ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., kasabay na punong tagapagpatupad ng National Action Plan (NAP) ng gobyerno para sa COVID-19 “ang pinag-isa at sama samang pamamaraang isinasagawa sa mga lugar ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) laban sa pandemya.”



Ayon sa pahayag na ipinalabas ng kanyang tanggapan noong Miyerkules, inilarawan ni Sec. Galvez ang pagpapatakbo ng pamamahala sa BARMM na binubuo nito ang regional inter-agency task force (IATF) ay isang kalamangan sa mga rehiyong administratibo sa paghahatid ng mga serbisyong medikal at kaluwagan (relief) para sa mga taong apektado ng kampanya laban sa COVID-19.

Sinabi ni Galvez na ang burukrasya ng BARMM, sa pamamagitan ng IATF, ay mayroong direktang awtoridad sa pamamahala at pagpapatakbo sa mga line agency at local government units (LGU) sa sakop nitong limang lalawigan, tatlong lungsod, 118 na mga bayan, at 2,590 na mga barangay, habang ang iba pang mga regular na rehiyon ay kulang sa pag-setup sa kanilang IATFs.

Bilang halimbawa, binanggit nya ang mabilis na paglalaan ng awtonomiyang gobyerno ng P115-milyon sa pamamagitan ng Ministry of Interior and Local Government (MILG), sa mga LGU; ang pag-download ng paunang P7.3-milyong pondo para sa social welfare sa pamamagitan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD); ang magkabagay na pagpalabas ng mga medikal at pangkalusugang mga supply ng Ministry of Health (MoH); at ang naka-synchronize na pamimigay ng mga relief goods sa buong rehiyon.

Ayon sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), ang mga Ministro ng Labor and Employment, Trade and Industry, Agrikultura at Fisheries, at iba pang mga ahensyang kabinet ng rehiyon ay naging mabilis ding naihatid ang kanilang mga gawain na hiniling ng pambansang IATF dahil sa kanilang agarang pag-access sa burukrasyang BARMM na pinamumunuan ni Chief Minister Ahod "Hadji Murad "Ebrahim,

Sa mga regular administrative region, ang mga field office ng mga line agency ng gobyerno ay nangangailangan pa ng pag-apruba mula sa Maynila para sa pag-apruba o paggabay sa kanilang mga gawain na nai-prescribe o napagkasunduan sa mga rehiyonal na IATF.

Sinabi ni Galvez, "Na ang mga pangunahing interbensyon (ay maayos) na naipatupad (sa ilalim ng isang) desentralisadong pag-setup sa pakikipaglaban sa COVID-19.”

Nagtiwala si Galvez sa matagumpay na pagpapatupad ng mga interbensyon laban sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa dahil sa kalamangang natamasa ng autonomous region. Sinabi rin ni Galvez na "Wala akong pag-aalinlangan na mananalo tayo sa labanang ito kung tayo ay magkakaisa at magkakasamang magtrabaho.”

Samantala, ipinahayag ng mga indibidwal na miyembro ng 80-seat BARMM Parliament ang paglunsad ng kani-kanilang pamimigay ng mga relief good at pangunahing mga medikal na panustos (basic medical supplies) sa kanilang mga nasasakupan na apektado ng pag-lock sa lalawigan.

Bilang agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga taong apektado ng pag-lockdown dahil sa COVID19, agad din namimigay ng malaking tulong ang Serbisyong Bangsamoro sa pamamagitan ng inisyatibo nina Member of Parliaments Hon. Mohagher M. Iqbal at Hon. Zul Qarneyn M. Abas, MD. Ang agarang pag-aksyon ng Serbisyong Bangsamoro ay

Ayon naman kay Parliament Member Maisara Dandamun-Latiph, ang kanyang mga volounteer ay nakapaghatid na ng 1,770 pack ng pagkain at 1,060 hygiene kits sa mga pamilya at indibidwal sa loob at labas ng BARMM, habang ang kanyang katapat na si Diamila Disimban-Ramos ay nagsabing nagsilbi na siya sa mga frontline health workers ng malapit sa 500 na mga pack lunch sa simula ng kanyang pag-disperse sa linggong ito.

PNA FILE

 
 
 

Comments


bottom of page