top of page

PROGRAMANG LINGKOD KABATAANG BANGSAMORO NG BYC - BARMM, INILUNSAD NA

Kahapon, ika-8 ng buwan ng Mayo nitong taon ay opisyal na sinimulan ng Bangsamoro Youth Commission - BARMM ang relief distribution sa ilalim ng programa nitong Lingkod Kabataang Bangsamoro.

Ayon kay BYC - BARMM Executive Director at Member of Parliament Dr. Marjanie Macasalong, ang inisyatibang ito ay bilang suporta sa mga youth organizations sa rehiyon na isa din sa mga vulnerable sectors lalo na sa mga panahong tulad nito na may kinakaharap na krisis.

Isa din sa mga layunin ng inisyatibang ito ay upang iparamdam sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga organisasyon na sila ay pinapahalagahan ng BARMM government. Naglaan ng isang milyon ang opisina ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim para sa programang ito na hinati naman sa limang probinsya ng rehiyon kasama na ang lungsod ng Cotabato at 63 barangays sa North Cotabato. Sa susunod na Linggo ay magsisimula ang distribusyon para sa probinsya ng Lanao del Sur sa pakikipagtulungan ng mga organisasyong Coalition of Moro Youth Movement, MSU Supreme Student Government, Youth Union for New Governance, Ranaw Youth Tanggol Kalikasan at Al-warithoon. Sa probinsya naman ng Maguindanao ay kasama ang Provincial Government, Maguindanao Association of Youth Organizations at Sultan Pax Leadership Academy. Samantala, kasalukuyan pang inaayos ang transportasyon ng mga items para naman sa ating mga kapwa kabataan sa mga probinsya ng Tawi-tawi, Basilan at Sulu. Magpapatuloy ang distribusyon sa mga susunod na araw sa pakikipagtulungan at suporta ng iba’t-ibang organisasyon din sa bawat probisnya. Inaasahang iikot ito sa buong BARMM upang mamamahagi ng relief support sa iba’t- ibang organisasyon dahilan padin ng patuloy na epekto ng pandemyang COVID-19 sa rehiyon. Para sa mga youth organization na nais maging parte ng nasabing relief support ay maaaring makipag-ugnayan sa mga provincial coordinators ng BYC-BARMM na nakapaskil sa kanilang official FB page.




 
 
 

Comments


bottom of page