Recommendasyon na gawing Chair ng IATF si BARMM Chief Minister, Inaprobahan na.
- mediabangsamoro

- Apr 15, 2020
- 2 min read
April 15, 2020 by Badrudin Sendad Ang pagtalaga kay Chief Minister Ahod B. Ebrahim ng Bangsamoro Government bilang Tagapangulo ng Regional Inter-Agency Task Group ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay aprubado na ng IATF.
Ito ay ipinahayag noong Inter-Agency Task Force Virtual Presser with Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles noong Martes, ika-14 ng Abril 2020.
Kasabay din nito ang pagtalaga sa Metro Manila Development Authority (MMDA) bilang Tagapangulo ng Regional IATF.
Ayon kay Nograles, “ang pagtalaga sa MMDA at kay BARMM Chief Minister bilang Tagapangulo ng Regional Inter-Agency Task Groups in their respective regions ay alinsunod sa IATF Resolution No. 12 Series of 2020.”
“For all other regions, the Office of Civil Defense through its regional offices shall act as Chair,” dagdag ni Nograles.
Kaugnay sa impormasyong ito, pinuri rin ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., kasabay na Punong Tagapagpatupad ng National Action Plan (NAP) ng Gobyerno ng Pilipinas para sa COVID-19 “ang pinag-isa at sama samang pamamaraang isinasagawa sa mga lugar ng BARMM laban sa pandemya.”
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng kanyang tanggapan, inilarawan ni Sec. Galvez ang pagpapatakbo ng pamamahala sa BARMM na binubuo nito ang regional inter-agency task force (IATF) ay isang kalamangan sa mga rehiyong administratibo sa paghahatid ng mga serbisyong medikal at kaluwagan (relief) para sa mga taong apektado ng kampanya laban sa COVID-19.
Sinabi ni Galvez na ang burukrasya ng BARMM, sa pamamagitan ng IATF, ay mayroong direktang awtoridad sa pamamahala at pagpapatakbo sa mga line agencies at local government units (LGU) sa sakop nitong limang lalawigan, tatlong lungsod, 118 na mga bayan, at 2,590 na mga barangay, habang ang iba pang mga regular na rehiyon ay kulang sa pag-setup sa kanilang IATFs.
Bilang halimbawa, binanggit nya ang mabilis na paglalaan ng awtonomiyang gobyerno ng P115-milyon sa pamamagitan ng Ministry of Interior and Local Government (MILG), sa mga LGU; ang pag-download ng paunang P7.3-milyong pondo para sa social welfare sa pamamagitan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD); ang magkabagay na pagpalabas ng mga medikal at pangkalusugang mga supply ng Ministry of Health (MoH); at ang naka-synchronize na pamimigay ng mga relief goods sa buong rehiyon.
Ayon sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), ang mga Ministro ng Labor and Employment, Trade and Industry, Agrikultura at Fisheries, at iba pang mga ahensyang kabinet ng rehiyon ay naging mabilis ding naihatid ang kanilang mga gawain na hiniling ng pambansang IATF dahil sa kanilang agarang pag-access sa burukrasyang BARMM na pinamumunuan ni Chief Minister Ahod "Hadji Murad "Ebrahim,
Sa mga regular administrative region, ang mga field office ng mga line agency ng gobyerno ay nangangailangan pa ng pag-apruba mula sa Maynila para sa pag-apruba o paggabay sa kanilang mga gawain na nai-prescribe o napagkasunduan sa mga rehiyonal na IATF.
Sinabi ni Galvez, "Na ang mga pangunahing interbensyon (ay maayos) na naipatupad (sa ilalim ng isang) desentralisadong pag-setup sa pakikipaglaban sa COVID-19.”
Nagtiwala si Galvez sa matagumpay na pagpapatupad ng mga interbensyon laban sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa dahil sa kalamangang natamasa ng Autonomous Region.





Comments