top of page

Unang pasyente ng COVID-19 sa Marawi City, Pumanaw na

Pasyenteng naging kabilang sa mga Patient Under Investigation(PUI) at kalauna'y naging positibo sa COVID-19, pumanaw na kaninang umaga at inilibing na kaninang 4:00 ng hapon sa Siyudad ng Marawi City. Ito ay alinsunod sa Islamic rites at mahigpit na pagpapatupad sa alintuntunin ng National Commission on Muslim Filipinos at ng DOH. Ito ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Lanao del Sur sa lugar ng Maqbarra Provincial Public Cemetery sa Barangay Papandayan, Caniogan. Mayroong 75 na katao ang kinikilalang kabilang sa mga Persons Under Monitoring (PUM) sa Lanao del Sur. Ang nasabing lugar ay kasalukuyang sumasailalim sa Community Quarantine mag mula pa noong ika-17 ng Marso.


 
 
 

Comments


bottom of page