You may have the best intentions of helping your constituents within BARMM from Mayor Atty. Sayadi
- mediabangsamoro

- Mar 19, 2020
- 2 min read
Ito ang Tugon ng Alkalde ng Lungsod sa isang Minister ukol sa pagpasok nito sa Lungsod ng Cotabato Binigyang tugon ng Alkalde ng Lungsod ng Cotabato Ang kaugnay sa facebook post ni Executive Secretary at Chairperson ng Inter-Agency Task force on COVID-19 Abdulraof Macacua bilang paglilinaw sa unang facebook post ng Alkalde patungkol sa isang Minister umano na sinubukang pumasok sa lungsod kaninang umaga ng Huwebes, ika-18 ng Marso taong 2020. Nilinaw ng Alkalde na wala siyang alam na nandoon ang Chairperson ng IATF on COVID-19 at Pinabulaanan ito sa kanyang facebook post na hindi daw para sa Executive Director at Chairperson ng IATF on COVID-19 Tungkol di umano ito sa isang Minister na naka Self Quarantine. Dagdag pa ng Alkalde sa Chairperson na mag pa Self Quarantine at payuhan na rin niya ang iba. Dagdag pa ng Alkalde sa Chairperson sa Kanyang Facebook post; ''Kung talagang gusto ninyong makatulong, gawin niyo ito para na rin mabawasan ang posibilidad na kumalat pa ang virus, kung sakali man na kayo ay tinamaan nito. This is not the time for us to indulge in politics dahil malayo pa ang election at May Krisis tayo na kina kaharap.'' ''Konteng sakripisyo lang naman sana para sa mga nasasakupan niyo. Hindi ba ganun dapat ang lider? Ako man nahihirapan at nasasaktan din ako sa nangyayari ngayon pero kailangan kong gawin dahil gusto ko lamang na maprotektahan ko ang aking mga kapwa Cotabatenio. Sana ganun din kayo. Hindi ba may namatay kamakailan na biktima ng COVID-19 sa may Amai Pakpak? Tapos yung isang pasyente ngayon na naka-confine sa CRMC ay galing sa Lanao del Sur? Yung mga kasama ng mga taga-Cotabato City na nagpunta sa Malaysia, hindi ba galing yun sa mga probinsya ng BARMM? Sila ba nahanap niyo na upang sila din ay magpa self quarantine? Yung mga taga dito sa amin, declared as PUM Na sila samantalang yung galing sa mga lugar niyo ay malaya pa ding nakaka-gala? Nakakatakot ang epekto nito sa samabayanan.'' ''Kaya do not take my actions against me. Kung kayo man ay hindi pabor sa mga regulasyon na aming ipinapatupad sa ngayon, wala na akong magagawa. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang maprotektahan ko ang aking mga nasasakupan. I don't want this virus to take the lives of my fellow Cotabatenios that is why I am imposing these strict guidelines. Sana matuto na lang kayong rumispeto. At pinaka mahalaga ay iparamdam niyo din sa inyong mga nasasakupan ang inyong presensya. Ang daming naghihirap ng mga bangsamoro ngayon sa inyong mga lugar, sana unahin niyo na lang ang pagtulong sa kanila.'' end of quote. Kilala si Mayor Cynthia Sayadi sa pagpapatupad ng Peace and Order sa lungsod na kanyang pinamumunuan. Nahaharap ngayon sa malaking problema ang Lungsod dahil sa sakit na COVID-19 Ngunit patuloy lang sa bibitaw ng maanghang na mga salita ang kanyang binibitiwan sa mga Official ng BARMM Samantalang ang Chairperson ng IATF COVID-19 at sya ring Executive Secretary ng BARMM ay patuloy pa ring ginagampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang nasasakupan.

(Photo courtesy of Cotabato CIO)




Comments